Sa Oras Ng Aking Pag-iisa
Maaaring sa oras na ito ako na nama'y nag-iisa,
Iniisip na lamang kung ika'y nasa'n na kaya?
Sa bawat paglipas ng umaga at gabi,
Lagi ko na lamang naaalala ang iyong mga ngiti.
Kailan ko pa nga ba kaya makakalimutan ka?
Sa halos lahat ng oras anino mo'y wari'y nadarama.
Sa bawat saglit lang na ako'y nag-iisa,
Mukha mo parati ang aking nakikita.
Minahal nga cguro kita ng labis-labis sinta,
Kaya ako ngayo'y nahihirapang mapalitan ka.
Sino nga kayang tao ang makakalamang pa,
Sa taas ng iginuhit mo sa puso ko'y marka na?
Ngunit ganun pa man, ako ay umaasa,
Darating din ang bukas at ako'y 'di na mag-iisa.
Magkaganun pa ma'y pasasalamatan parin kita,
Ng dahil sa iyo ako ay mas tumapang pa!
Ni: Aubrey-V G. PIlapil
August 2, 2003
(Saturday)


Comments